UPDATE
Kakakita ko lang sa kanila sa TV, Another set of mga kababayan nating SIKAT!!
21. Alexander Martinez
New sets of Pinoys and ang una eh talaga namang nagbigay ng "goose bumps" ang binigay nitong Pinoy na to sakin! Sumali sya sa Poland Got Talent and nakasali sya sa finals. Nakuha nya ang third place, which is not bad. Sa dami ba naman ng mga sumasali sa mga talent contest diba? And come to think of it, Pinoy na naman! Panoorin nyo yung ibang vids nya sa youtube, lalo na yung kanta nya nung semi finals. Parang doble kara lang... hehehe
22. UST Singers
Ito medyo mainit-init pa, ang choral group na mula sa University of Santo Tomas. Nanalo sila sa isang napakapretihyosong kompetisyon na, Llangollen International Music Eisteddfod. Napanalunan nila ang "Choir of the World - Pavarotti Trophy, nang hindi lang isang beses kundi dalawa! Sila pa lang ang nakakakuha ng dalawang trophy sa paligsahang ito. Patunay na talaga consistent ang grupong ito at syempre, tunay na maipagmamalaki ng bawat Pilipino. YUng unang song eh parang pang lord of the rings o di kaya star wars. Tapos ang saya nung second song nila hehehe! PINOY NA PINOY! Tsaka goose bumps na naman! lalo na yung FINALE nila!
23. Mariz
Well first of all, wala akong makuhang ibang info from her aside from this youtube vid. But from the description eh sabi dun na gusto nyang matulungan ang pamilya nya sa Pilipinas at makamit ang grand price sa Spain Got Talent. Nanalo daw sya ng 100,000 euros last season nung programa. Galing ng performance nya and with matching mala-sarah-geronimo-finale-na-saise-your-hand finale pa. Pero tinalbugan nya yun with a surprise. hehehe Teka I forgot to mention na sumayaw din sya ng "Ispageti" hihi Hope to get more info from this girl kaya lang di kami magkaintindihan~~
24. Chelsea Castillo
Isang 10 years old na batang babae na sumali sa Australia's Got Talent 2009 at hinirang na 2nd Placer. Ika nga ng nakararami: "Big voice, Big future" A little girl with a very outstanding voice. Ang sabi pa nga ng iba eh sya ang susunod na Charice Pempengco. 4 years old pa lang daw sya eh tinuturuan na sya ng nanay nyang kumanta. Singer daw ang parents nya kaya nakagiliwan na rin nya ang pagkanta. Pinay na pinay tong si Chelsea dahil before pa sya sumali ay kumakanta na sya sa iba't ibang lugar sa Australia na nagtitipon ang mga Pinoy for a fiesta. Tapos kumakanta rin sya sa mga concert ng mga Pinoy singers natin mula dito sa Pinas na dumadalaw sa Australia. Goodluck sayo Chelsea! Alam kong hindi ka next Charice Pempengco, dahil malamang ikaw ang gagawin ng iba pang aspirants. Si Charice ay si Charice. At si Chelsea ay si Chelsea!
25. Team by Implication
Maiba naman tayo. Sa larawan naman ng Gaming. Ito ang grupo na nagmula sa ADMU at UP, sina sila Philip Cheang, Wilhansen Li, Rodrick Tan, and Levi Tan Ong. Nanalo sila sa Microsoft Imagine Cup Game Design competition at anguwi ng 250,000 US dollars sa kanilang entry na Wildfire. Mukhang napa-GG (Good Game, o ang sinasabi/tinatype ng kalaro kung sa tingin nila ay mahirap nang manalo) ang ibang grupo sa kanila design. Actually, may mas magagandang graphic designs yung ibang grupo. Ang sa Team Pilipinas eh simple lang pero malakas ang impact ng message nito. Ang wildfire ay isang laro na ang layunin ay mailigtas ang mundo laban sa kahirapan, deskriminasyon at paninira ng kalikasan gamit ang pagkakaisa at bayanihan. At take note, ang naginspire sa kanilang concept ay si Pareng Ondoy. Sa mga panahong rumaragasa ang Bagyong Ondoy, nasilayan ng bawat Pilipino ang pagkakaisa at pagtutulunga. Syempre ilang issue rin ang lumabas sa time na yun, gaya ng kurapsyon, illegal logging at kung ano ano pa. At iyon ang mga naging hadlang o deviation sa laro. Hintayin na lang natin lumabas tong game na to. Pwede nyo na rin laruin yung free version nitong game na WIldfire. http://wildfire.byimplication.com/
Related Sites
|
|
Mga Sikat Na Pinoy mga pinalakpakan ng buong mundo
#12
Posted 04 August 2010 - 12:06 AM
Galing talaga. Balitang balita nga dito yung UST Choir.
Sigurado more to come pa sa mga ibang kababayan natin.
Sigurado more to come pa sa mga ibang kababayan natin.
Share this topic:
Related Sites
|
|
Recent blog entries on this topic
|
|

Help















