Ang Lawin At Ang Paglikha Sa Daigdig
NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat.
Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang iba’t ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.
Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.
Si Malakas, Si Maganda, At Ang Pagdami Ng Tao
NANGYARI naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi, lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2 Unang Tao sa daigdig.
IPINATAWAG naman ng lindol ang lahat ng ibon at isda upang pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa 2 tao. Ipinasiya nila na dapat mag-asawa sina Malakas at Maganda. Nangyari nga ito at marami silang naging mga anak, na pinagmulan ng iba’t ibang tao sa daigdig ngayon.
Pagtagal, nayamot ang mag-asawang Malakas at Maganda sa dami ng kanilang mga tamad at walang-pakinabang na mga anak. Nais nilang palayasin lahat subalit hindi nila alam kung saan itatapon ang mga ito kaya nagtiyaga na lamang ang mag-asawa.
Dumami pa uli nang dumami ang mga anak sa paglipas ng panahon at nangyari na hindi na nakaranas ng tahimik sina Malakas at Maganda.
Isang araw, hindi na nakatiis si Malakas at, dampot ang isang bakawan, pinagha-hataw ang mga bata. Takbuhan sa takot ang mga anak at nagtago sa iba’t ibang lugar. Ang iba ang nagtago sa mga silid ng bahay, ang iba ay sumingit sa mga dingding. Ang iba ay nagkubli sa mga kalan sa cocina. Ang ibang anak ay tumakas sa labas, habang ilan ay tuluyang lumayas sa dagat.
Sa ganitong paraan, nagka-iba-iba ang mga tao na kumalat sa daigdig. Ang mga nagtago sa mga silid ang naging mga pinuno sa mga pulo. Ang mga sumingit sa dingding ang naging mga alipin. Ang mga nagkubli sa mga kalan ay naging mga negro. Ang mga tumakas sa labas ang naging mga malaya. Pagkaraan ng maraming taon, ang mga anak ng lumayas sa dagat ay bumalik, at sila ay mga maputing tao, ang mga dayuhan.
Gintong Bata Sa Puting Calabaza
KAKATWA at kakaiba ang maliit na bahay, gawa sa kawayan, ng isang lalaki at isang babaing nabubuhay sa mga gulay na tanim nila sa malaking bakuran. Mabait ang mag-asawa at mabuti ang turing sa kanila ng lahat ng mga kapitbahay. Subalit hindi sila maligaya sapagkat wala pa silang anak, bagay na maraming taon na nilang hinangad. Ipinag-dadasal nila araw-araw na kahit babae o lalaki, magka-anak lamang sila, subalit walang sagot ang kanilang mga panalangin. At ngayong tumatanda na sila, nawawalan na sila ng pag-asa.
Isa sa mga tanim nila sa bakuran ay puting calabasa na mayabong na nagbubunga buong taon, kaya hindi sila nawawalan ng pagkain kahit kailan, hanggang isang araw nang napansin nilang walang umuusbong na calabasa. Inusisa nilang maigi at inalagaan ang halaman araw-araw subalit kahit panay ang sulpot ng malalaking dilaw na bulaklak na, pagkalanta at pagkatuyo ay dapat sanang mapalitan ng usbong na bunga. Subalit wala kahit isang calabasa na lumitaw at nagsimulang magutom ang mag-asawa.
Isang umaga, pagkaraan ng mahabang panahon, napasigaw sa galak ang asawang babae nang masipat niya ang isang maliit na usbong. Ipinasiya ng mag-asawa na huwag kainin agad ang calabasa, hintaying lumaki at mahinog ito upang magkaruon sila ng mga buto na maitatanim uli sa bakuran.
Lumaking napaka-gandang puting calabasa ang bunga subalit napakatagal nahinog kaya, sa gutom, nagbago ang isip ng mag-asawa at pinitas ang gulay upang kainin. Hihiwain na sana nila ang calabasa nang narinig nila mula sa luob ang isang tinig.
“Mag-ingat kayo at baka mahiwa ako!”
Natigilan ang mag-asawa, akala minumulto sila, subalit nagsalita uli mula sa luob ng calabasa.
“Buksan n’yo na, nang makalabas ako!”
Maingat nilang hiniwa at lumabas ang isang sanggol na lalaki. Nakakatayo at nakakapag-salita na ang bata. Tuwang-tuwa ang mag-asawa, may “anak” na sila! Agad umigib ng tubig ang asawang babae at naglatag ng banig upang paliguan ang bagong panganak na “anak.” Tuwing buhos ng tubig sa bata, bawat patak ay naging ginto kaya matapos ng ligo, natakpan ng ginto ang buong banig! Lalong nalugod ang mag-asawa, may “anak” na sila, yumaman pa sila sa ginto.
Sapat na dapat ang nakamit ng mag-asawa, subalit pagmasid nila sa ginto, hinangad nila ang mas marami pa. Kinabukasan, pinaliguan uli ng asawang babae ang “anak” at natakpan uli ng ginto ang banig. May sapat na silang yaman upang magpagawa ng isang malaking bahay, subalit gusto pa nila ng higit. Kaya sa ika-3 araw, umigib uli ng tubig na pampaligo ang asawang babae, subalit nalungkot ang “anak,” umalis at naglaho. Kasabay, naglaho rin ang lahat ng ginto. Naiwang nag-iisa ang mag-asawa na, tulad ng dati, ay mahirap at walang anak.
Saan Nanggaling Ang Unang Matsing?
MARAMING taon na ang nakaraan, may isang munting baranggay sa paanan ng isang bundok. Isang maliit na kubo ang nakatayo sa itaas ng baranggay, sa tagiliran mismo ng bundok na balot ng makapal na gubat. Duon nakatira ang isang matandang babae at ang kanyang apo, isang binatilyo.
Masipag ang lola. Hanap-buhay niya ang himayin ang mga buto mula sa bulak at gawing sinulid ang bulak. Laging may buslo ng bulak sa tabi ang lola, at isang mahabang patpat na kidkiran (huso, spindle) ng sinulid. Samang-palad, tamad ang binatilyong apo, ayaw tumulong sa lola at, araw-araw, bumababa sa baranggay upang makipag-barkada at magsugal. Isang araw, umuwing mainit ang ulo ng binatilyong apo dahil natalo sa sugal. Nagsisigaw siya nang makitang wala pang hapunan.
“Maghintay ka nang kaunti,” sagot ng lola habang abalang nagta-trabajo, “at minamadali kong himayin itong bulak. Pagkatapos kong ipagbili ito, bibili ako ng pagkain natin.”
Lalong nagalit ang binatilyong apo. Pumulot siya ng mga bao ng niyog, gamit na panggatong sa apoy, at hinagis sa lola. Nasaktan, nagalit din ang lola at gumanti. Hinampas niya ng hinampas ng kidkiran ang binatilyong apo.
Kagila-gilalas! Biglang nagbago ang anyo ng apo - isang pangit na hayop na balot ng bulak na naging balahibo, at kumabit ang kidkiran sa kanyang tumbong at naging buntot. Nang matuklasan ng binatilyong apo na siya ay isang pangit na hayop na, kumarimot siya patakas sa baranggay.
Hinanap niya lahat ng kabarkada niya sa sugal at sinisi sa nangyari sa kanya. Pinaghahataw niya ng kanyang buntot at isa-isang nagbago rin ang mga ito at naging hayop tulad niya - ang tinatawag ngayong matsing o tsonggo (mono, monkey).
Nang makita ng mga taga-baranggay ang mga pangit, maingay at magulong mga hayop, itinaboy nila ang mga ito at hindi na pinayagang pumasok uli sa baranggay. Mula nuon, sa gubat namuhay ang mga matsing.
Ang Pinagmulan Ng Daigdig
Itong kasaysayan ay alam ng mga Bilaan. Isa sila sa pinaka-lihim na tribo nuong panahon ng Español, subalit may mga bahagi itong kasaysayan na katulad ng mga cuento sa Biblia. Pahiwatig ito na, malamang, nahaluan ito ng mga pangaral ng catholico na, kakatwa, ay maaaring nagmula sa mga Moro... -- Mabel (Cook) Cole
1. ANG KASAYSAYAN NG PAGLIKHA
NUONG kauna-unahang panahon, may isang nilalang na napaka-laki, hindi maaaring ihambing sa kahit anuman. Ang ngalan niya ay Melu. Ang mga ipin niya ay lantay na ginto, at ang bahay niya ay mga ulap. Kapag umupo siya, natatakpan ang buong langit. Ang linis-linis niya, lagi na lamang naghihilod sa katawan kaya naging lubusang puti ang kanyang balat. Ang libag - ang patay na balat na nahilod mula sa katawan - ay inipon niya sa isang tabi.
Pagtagal, sa laki ng katawan, napaka-laking tumpok ng libag ang naipon at medyo nainis si Melu. Pinag-isipan niya kung ano ang maiging gawin sa libag. Sa wakas, ipinasiya niyang gamitin ito sa paglikha ng daigdig. Maingat at matagal niyang hinugis ang libag at pagkatapos, natuwa siya sa kanyang nilikha. Habang pinapanuod niya ang kanyang nagawa, naisipan niyang lumikha rin ng 2 nilalang na tulad niya, mas maliit nga lamang, upang tumao sa bagong likhang daigdig.
Kinuha niya ang natirang libag at hinugis ang 2 tao. Tapos na sana ang paglikha maliban sa mga
ilong nang biglang sumulpot si Tau Tana, ang nilalang mula sa ilalim ng lupa, at nagkusa na tutulong daw. Gustong sarilinin ni Melu ang paglikha ng tao kaya matagal silang nagtalo, subalit mapilit si Tau Tana. Pumayag na rin si Melu kaya si Tau Tana ang gumawa ng ilong ng tao na ikinabit niyang nakabukas sa itaas.
Magkatulong hinagupit nina Melu at Tau Tana ang mga bagong likhang tao hanggang gumalaw ang mga ito ang nagsimulang mabuhay. Umuwi na sa ulap si Melu, at si Tau Tana sa ilalim ng lupa.
Mahusay ang lagay ng lahat hanggang, isang araw, nang umulan nang malakas. Muntik nang malunod ang mga bagong likhang tao dahil tumagas ang ulan at pumasok sa kanilang mga ilong. But na lamang, nakita agad ni Melu ang nangyayari. Mabilis siyang lumapag mula sa ulap at inikot ang mga ilong para nasa ibaba ang butas.
[ Si Melu ang pinaka-haring espiritu, na tinatawagan ng mga tao sa panahon ng panganib... --M.C. Cole]
Laking pasalamant ng mga tao, at nangako silang susunod sa anumang iutos ni Melu. Sabi ni Melu, napansin niyang malungkot ang mga tao. Inutos niyang ipunin nila lahat ng buhok at libag nila.
“Sa susunod na balik ko,” pangako ni Melu, “gagamitin ko upang lumikha ng iba pang tao na makakasama ninyo!” Sa ganitong paraan dumami ang mga tao sa daigdig.
2. NUONG PASIMULA
APAT lamang ang mga nilalang nuong pasimula - sina Melu, Fiyuwey, Diwata at Sawey - at nakatira sila sa isang pulo na kasing liit lamang ng salakot. Walang anumang tumutubo duon, maging puno o damo, at ang tanging buhay na kasama nila ay isang ibon, si Buswit.
Isang araw, inutusan nila ang ibon na lumipad sa dagat at humanap ng anumang makikita niya. Pagbalik ni Buswit, may dala siyang lupa, isang piraso ng yantok (rattan), at ilang bungang kahoy (frutas). Si Melu ang pinaka-malakas sa kanila, at kinuha niya ang lupa at hinugis ng patpat, tulad ng paghugis sa palayok ng mga babae ngayon, hanggang itoy ay maging bilog na daigdig. Pagkatapos, itinanim niya duon ang yantok at ang mga buto (semillas, seeds) ng bungang kahoy. Tumubo ang mga ito at hindi nagtagal, natakpan ang daigdig ng mga yantok at mga puno ng sari-saring bungang kahoy.
Masayang pinanuod ng 4 nilalang ang pagtubo at pagbubunga ng mga
tanim subalit pagtagal, sinabi ni Melu, “Ano ang katuturan nitong daigdig at lahat nitong yantok at bungang kahoy kung walang tao?”
“Gamitin natin ang pagkit” (cera, wax), sabi ng ibang nilalang, “at gumawa tayo ng mga tao!”
Matagal silang nagpagod sa paghugis ng mga tao mula sa pagkit, subalit nang ilapit nila sa apoy upang patigasin, natunaw sa halip ang kanilang mga likha. Nuon nila natuklas na hindi maaaring gumawa ng tao mula sa pagkit. Sunod nilang sinubok ang lumikha ng tao mula sa lupa. Isa sa mga kasama ni Melu ang gumawa ng mga ilong na idinikit niya sa mukha nang baligtad - nasa itaas ang butas.
“Malulunod ang mga tao kapag ganyan,” sabi ni Melu subalit ayaw ibahin ng kasama ang ginawa. Hinintay ni Melu na malingat ang kasama bago niya inikot isa-isa ang mga ilong hanggang natapos niya lahat. Subalit sa pagmamadali niya, napiyot ni Melu ang malambot na lupa, kaya makitid ang punong dulo ng bawat ilong ng tao hanggang ngayon.
ANG BILAAN ay nakabahag dati, tulad ng ibang Pilipino nuong una. Bandang 1913 nang kunin itong larawan, nagdamit na sila tulad ng mga kalapit sa Mindanao. Karaniwang damit na ang suot nila, tulad ng ibang Pilipino ngayon.
Si Lalak, At Si Babaye
Nuong unang panahon, may 2 bathala na namamahay sa langit, si Kaptan at si Maguayan. Napa-ibig si Kaptan kay Maguayan at sila ay nag-asawa.
Isang araw, tulad sa nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng unang pagsasama, nag-away si Kaptan at si Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan, pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki ang paghihinagpis na umalis si Maguayan.
Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan ay inabot ng lumbay. Nabagabag siya ng kamaliang ipinataw niya sa kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi siya ng patawad. Hinalughog niya ang buong kalangitan, subalit hindi niya natagpuan si Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang diyosa.
Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at nagtanim ng kawayan sa halaman na pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya ng palay, mais at tubo. Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan ang unang umusbong. Tumubo itong maganda puno na malambot ang mga sanga at mga dahon na parang balahibong kumakaway sa daloy ng hangin.
Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha, napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan. “Ah,” buntong hininga niya, “kung narito lamang si Maguayan, malulugod siyang masdan itong magandang tanawin sa gitna ng simoy ng hangin at kiskisan ng mga dahon!”
Patuloy ang pagtubo ng kawayan. Ang halamanan ay lalong gumaganda araw-araw. Isang dapit-hapon, habang si Kaptan ay nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa simoy ng hangin, isang sapantaha ang nabuo sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari, binulong na niya sa kanyang sarili, “Lilikha ako ng mga mag-aalaga nitong mga halaman.”
Agad-agad, ang kawayan ay nahati sa 2 kabiyak. Mula sa isang bahagi, lumitaw ang unang tao. Pinangalan ni Kaptan ang tao ng Sikalak, pangalang nangangahulugan “ang matipunong nilikha.” At mula nga nuon, ang mga katulad ni Sikalak ay tinawag na lalak, o sa palayaw na lalaki.”
Pagkatapos, mula sa kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw ang pangalawang nilikha. Bininyagan siya ng diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay “katulong ng nilalang na malakas.” Mula nuon, ang kanyang mga katulad ay tinawag na sibabaye o babaye, sa palayaw.
Magkasama, ang dalawang nilikha ay nagtanim sa halamanan at inalagaan ang mga pananim. Sa kabilang dako, si Kaptan ay nagpunta sa malayo upang hanapin si Maguayan.
Isang araw, pagka-alis ng diyos, niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa kanya. Subalit ang babae ay tumanggi. “Hindi ba magkapatid tayo?” pinagalitan niya ang lalaki.
“Tutuo ang sinabi mo. Subalit walang ibang tao dito sa halamanan,” nangatwiran si Sikalak. “At kailangan natin ang mga anak na tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa para sa ating panginoon.”
Hindi natinag ang babae. “Alam ko,” sagot niya, “subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisa-isang biyas ang nagkabit sa ating dalawa.”
Pagtagal-tagal, matapos ng mahabang pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid. Ipinayo ng mga isda at ng mga ibon na magpakasal sila. Hindi pa rin nahimok, sumangguni si Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang pag-aasawa.
“Kailangang mag-asawa kayo,” sabi ng lindol, “upang magka-tao sa daigdig.”
Kaya nag-asawa sina Sikalak at Sikabay. Ang una nilang anak ay isang lalaki, na pinangalanan nilang Sibu. Pagkatapos, nagka-anak sila ng isang babae, na tinawag nilang Samar.
Digmaan: Kung Paano Nilikha Ang Daigdig
LIBU-LIBONG taon sa nakaraan, nuong wala pang araw o buwan, o mga bituwin, walang lupa - ang daigdig ay natatakpan ng dilim at malawak na dagat. At sa itaas, ng taklob ng langit. Ang makapangyarihang Kaptan ang hari sa langit, samantalang ang tubig ay kaharian ni Maguayan
.
May anak na babae si Maguayan, ang ngalan ay Lidagat. Lalaki ang anak ni Kaptan, si Lihangin. Nagkasundo ang 2 diyos na mag-asawa ang mga anak nila kaya nagsama ang hangin at dagat. Nagka-anak sila ng 3 lalaki at isang babae, si Lisuga, hubog sa lantay na pilak ( pura plata, pure silver), mahinhin at mayumi. Ang mga lalaki ay si Likalibutan, buong bato, malakas at matapang, si Liadlao, lantay na ginto at laging masaya, at si Libulan, buong tanso, mahina at kimi.
Mahal silang lahat ng mga magulang at pinalaki sila sa ligaya. Dumating ang panahon, namatay si Lihangin. Si Likalibutan, ang panganay, ang nagmana ng pagka-hari sa hangin. Hindi nagtagal, si Lidagat man ay namatay. Naiwang ulila ang mga anak kaya inaruga sila ng mga lolo, sina Kaptan at Maguayan, at iniligtas sa anumang panganib.
Paglaki, nawili si Likalibutan sa minanang pagka-hari sa hangin, at hinangad niyang
palakihin pang lalo ang kanyang kapangyarihan. Inamuki niya ang 2 kapatid na lalaki na sumabwat sa kanyang pag-agaw sa lakas ng lolo, si Kaptan. Tumanggi muna ang 2 kapatid subalit nagalit si Likalibutan kaya pumayag na rin si Liadlao upang mapahinahon ang kapatid. Magkatulong, madali nilang napilit ang kiming kapatid, si Libulan.
Naghanda sila at biglang sinugod ang langit subalit hindi nila naibagsak ang nakaharang na pintong bakal. Pinawalan ni Likalibutan ang pinaka-malakas niyang hangin at giniba ng ipu-ipo ang pintong bakal. Lumusob ang 3 magka-kapatid subalit hinarap sila ng puot na puot na Kaptan. Natakot ang 3 at mabilis na tumalilis subalit ipinahagad sila sa kidlat ni Kaptan.
Ang kiming Libulan ang unang tinamaan, natunay at naging bilog na bola. Sunod tinamaan at natunay ang ginintuang Liadlao. Nang tamaan ng kidlat si Likalibutan, nagka-pira-piraso ang kanyang katawang bato at kalat-kalat na bumagsak sa dagat. Napaka-laki ng katawan ni Likalibutan kaya ang tipak-tipak na bato ay usli sa dagat at naging mga pulo.
Samantala, ang mayuming Lisuga ay nalumbay at hinanap ang mga kapatid, walang malay na nagka-digmaan, at puot na puot ang kanyang lolo. Papalapit pa lamang siya sa langit nang nalingatan si Kaptan at, bago nakapag-pigil, pinukol din ng kidlat. Nadurog si Lisuga sa libu-libong piraso ng pilak.
Sukdulan pa rin ang galit, lumundag sa dagat si Kaptan at sumisid upang sabakan si Maguayan na akala niya ay kasabwat sa paglusob. Subalit mabilis na lumitaw si Maguayan at nangatwirang wala siyang kinalaman sa nangyari, sapagkat natutulog siya nuon sa kalaliman ng dagat. Napahinahon din niya sa wakas si Kaptan, at magka-akbay silang nagluksa sa pagkamatay ng mga apo, lalo na ang maganda at mahinhing Lisuga.
Sinubok nilang ibalik ang buhay ang mga apo subalit hindi abot ng kanilang kapangyarihan, kaya pinatawan na lamang nila ng liwanag na kikinang habang panahon. Sa gayon, ang ginintuang katawan ni Liadlao ay naging araw (sol, sun), ang kiming Libulan ang naging buwan (luna, moon), at si Lisuga ay naging libu-libong bituwin sa langit.
Ang buhong na Likalibutan ay hindi binigyan ng liwanag at hindi inangat sa langit. Ipinasiya ng 2 lolo na gamitin ang kanyang pira-pirasong bangkay bilang sibulan ng ibang uri ng tao. Naglabas ng buto si Kaptan at itinanim sa isang pulo na dating bahagi ni Likalibutan. Dinilig ito lagi ni Maguayan at hindi nagtagal, tumubo ang isang puno ng kawayan. Mula sa isang biyas (node) nito, lumabas ang isang lalaki, si Sikalak, at isang babae, si Sikabay. Sila ang magulang at ninuno ng lahat ng tao sa daigdig.
Ang unang anak nila ay ang lalaking Libo, sinundan ng babaing Saman. Ang pang-3 anak ay isang lalaki rin, si Pandaguan na nagka-anak din ng isang lalaki, si Arion.
Matalino si Pandaguan at lumikha siya ng bitag (trampa, trap) na panghuli ng isda. Ang una niyang nabihag ay isang dambuhalang pating na pagka-ahon sa lupa ay napaka-laki at nakaka-takot kaya inakala ni Pandaguan na isang diyos ito. Agad niyang tinawag ang mga tao at hinimok na sambahin nilang lahat ang pating. Paligid silang umaawit at nagdarasal sa pating nang biglang bumuka ang langit at dagat at lumitaw ang 2 tunay na diyos, sina Kaptan at Maguayan. Inutos nila na itapon ang pating sa dagat at huwag sumamba kahit kanino maliban sa kanilang dalawa.
Lahat ay natakot maliban kay Pandaguan. Hinarap niya ang 2 diyos at pinilit na kasing laki ng diyos ang pating. Dinagdag pa niya, dahil nagapi niya ang
pating kaya niya rin talunin ang mga diyos. Pagkarinig dito, pinukol ni Kaptan ng kidlat si Pandaguan, subalit munting kidlat lamang sapagkat ayaw niyang patayin ito, bagkus turuan lamang madalâ. Tapos, pinarusahan nilang dalawa ni Maguayan ang lahat ng tao. Pinalayas nila ang mga tao sa kalat-kalat na pulo.
Hindi nga namatay si Pandaguan bagaman at 30 araw siyang nahandusay bago nakatayo uli. Lumakas siya uli, subalit sunog ang buong katawan kaya lahat ng anak niya mula nuon ay itim ang balat. Si Arion na anak niya bago nagka-parusahan ay hindi umitim. Pinalayas siya ng 2 diyos sa hilaga (norte, north) kung saan siya lalong namutla. Kaya ang mga anak-anakan niya ay mapuputi ang mga balat.
Si Libo at si Saman ay ipinatapon sa timog (sur, south) kung saan “naluto” ang kanilang balat, kaya ang mga anak-anakan nila ay kayumanggi ang kulay. Ang anak na lalaki ni Saman, kasama ang anak na babae ni Sikalak, ay itinaboy sa silangan (oriente, east) at nasadlak sa pulo na matagal bago tinubuan ng halaman. Walang pagkain, napilitan ang dalawa na kumain ng luwad (arcilla, clay), kaya ang mga anak-anakan nila ay dilaw (amarillo, yellow) ang kulay ng balat.
Ganito nalikha ang araw, buwan at mga bituwin sa langit, ang mga pulo sa ibabaw ng dagat, at paano nagkaruon ng iba’t ibang uri ng tao sa daigdig.
Ang Sibulan Sa Bundok Apo
SIBULAN: pinagmulan; bukal ng sapa o ilog; tinubuan..
Ito ay mainam halimbawa kung paano tinatangka ng mga tao na ipaliwanag ang mga bagay at pangyayari sa kani-kanilang paligid. Halos lahat sila, pati ang mga Bagobo, ay naniwalang sila ang kauna-unahang tao. Sa matandang-matanda nang alamat na ito, inilahad ng Bagobo ang pinagmulan nila at ng mga kalapit. At binago ang alamat upang ipaliwanag ang pinagmulan ng mga ang Español at Amerkano na dumating nitong nakaraang 400 taon lamang... --Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916
NUONG pasimula, nabuhay ang isang lalaki lamang, si Toglai, at isang babae, si Toglibon. Ang 2 unang anak nila at isang lalaki at babae na, paglaki, ay naglakbay sa malayong-malayo upang humanap ng matitirahan. Walang nabalita tungkol sa kanila hanggang bumalik ang kanilang mga anak, ang mga Español at mga Amerkano.
Pagkatapos umalis ang 2 unang anak, nagka-anak pa ng marami sina Toglai at Toglibon. Wala sa kanilang umalis, namuhay lahat sa Sibulan, sa gilid ng bundok Apo, kasama ng kanilang mga magulang. Pagkaraan ng matagal na matagal na panahon, namatay din, sa wakas, sina Toglai at Toglibon at naging mga ‘diwata.’
Hindi nagtagal pagkatapos,
nagpanahon ng tuyot (sequia,
drought) at sa luob ng 3 taon,
wala kasing patak ng ulan (lluvia, rain) na bumagsak. Lahat ng ilog at lawa ay natuyo, at sa kawalan ng tubig, natuyo lahat ng halaman, at namatay pati mga isda at iba pang hayop na nabubuhay sa tubig.
“Talagang pinarurusahan tayo ni Manama,” sabi ng mga ulilang magkakapatid. “Kailangang maglakbay tayo nang malayo sa iba’t ibang upang humanap ng tubig at pagkain.”
Dala-dalawa, nag-alisan ang magkakapatid mula sa sinibulan sa bundok Apo at kumalat kung saan-saan. Sa bawat puok na tinigilan nila, dumami ang mga tao at ganito nagka-tao sa buong daigdig. Ang pangkat-pangkat na nabuo ng kanilang mga anak-anakan (descendants) ay tinatawag pa hanggang ngayon ayon sa mga bagay na dala nila mula sa Sibulan.
Isang babae at isang lalaki ay nagtungo sa kanluran
(occidente, west), bitbit-bitbit ang mga bato mula sa ilog Sibulan. Pagkatapos ng mahabang lakbay, nakarating sila sa isang puok na may mala-lawak na bukid, tinutubuan ng makapal na talahib (cogon, elephant grass), at dinidilig ng marami at malalaking ilog at lawa ng tubig (laguna, lake). Nanduon pa hanggang ngayon ang kanilang mga anak-anakan, tinatawag na Magindanao dahil sa mga bato mula sa ilog Sibulan na binibitbit duon ng mga ninuno.
Dalawa pang anak nina Toglai at Toglibon ay nagtungo naman sa timog (sur, south), bitbit ang mga buslo (cestas, baskets) na tinawag na mga baraan. Nakakita rin sila ng mainam na matitirahan, at duon dumami ang kanilang mga anak-anakan, tinatawag ngayong Baraan o Bilaan dahil sa dala-dalang mga baraan ng kanilang ninuno.
Dalawa sa mga naulilang anak nina Toglai at Toglibon, isang binatilyo at isang dalagita, ay hindi nakaalis sa bundok Apo dahil masyado nang nanghina sa gutom upang maglakbay. Dumating ang araw na agaw-buhay na sila nang gumapang ang binatilyo upang humanap ng anumang makakain. Hindi inaasahan, nakakita siya ng tubo matamis (sugarcane) na, pagkaputol niya, ay may sapat na katas (jugo, juice) upang buhain silang dalawa hanggang natapos ang panahon ng tag-tuyot at nagsimula ang tag-ulan. Dahil dito, ang mga anak-anakan nila ay tinatawag ngayong Bagobo.
Ang Mga Anak Ni Limocon
Ang limokon, sa tingin ng mga Mandaya, ay ibon ng tadhana, ang tagapag-hatid mula
sa ‘kabilang buhay’ (limbo, spirit world ) ng babala (aviso, warning) ng durating na panganib, o ng pahiwatig ng napipintong tagumpay. Kapag narinig ang ‘ku-ku-ru’ ng limokon mula sa kanan, paniwala ng Mandaya, matutupad ang binabalak, subalit kung nagmula sa kaliwa, mabibigo ang tangka...
Itong alamat ay lubhang kaiba sa mga alamat ng mga Bukidnon at Bagobo na nahaluan
ng mga pangaral ng catholico at mga Amerkano. Bagaman at mga kalapit pangkat nila
ang mga Bukidnon at Bagobo, itong alamat ng Mandaya ay likas na makaluma, at
maniwaring galing pa sa panahon bago dumating ang mga dayuhan...
-- Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916
NUONG pinaka-unang panahon, nuong wala pang tao sa daigdig, naglipana ang mga limokon, isang uri ng kalapati ( paloma, dove) na malakas at marunong magsalita tulad ng tao bagaman at sila ay anyong ibon. Minsan, isang limokon ay nangitlog - isa sa bukana ng ilog Mayo, at isa sa puno o simula ng ilog ding iyon. Pagkaraan ng panahon, napisa (empollar, hatch) ang 2 itlog at, at sa halip na limokon, ang lumabas ay 2 tao - lalaki sa bukana, at babae sa sibulan, ng ilog Mayo.
Lumaki at matagal na panahon namuhay ang 2 unang tao nang magkahiwalay, at walang malay na ibang tao na buhay maliban sa sarili nila. Lumbay na lumbay sila kapwa, at panay ang hangad na magkaruon sila ng kasama.
Ang lalaki ang unang nawalan ng tiyaga at nagsigasig na maghanap ng kapwa tao dahil isang araw, may pumatid sa kanya habang tumatawid siya sa ilog. Malakas ang patid sa kanya, tumumba siya at muntik nang malunod. Nang maka-ahon siya, natuklas niyang makapal na buhok ang pumatid sa kanya, at ipinasiya niyang hanapin kung kangino nagmula ito.
Malayo ang narating paakyat sa pinagmulan ng ilog Mayo, inusisa ng lalaki ang magkabilang pampang hanggang sa wakas, natagpuan niya ang babae sa sibulan ng ilog. Tuwang-tuwa sila kapwa at nakakita na ng makakasama. Nag-asawa sila at maraming naging anak - mga tao na tinatawag pang Mandaya hanggang ngayon, at namumuhay pa rin sa tuntunin ng ilog Mayo.
Nilikha Ni Lumawig Ang Mga Tao
Si Lumawig ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng mga ‘diwata.’ Sa langit siya nakatira ngayon, subalit may isang panahon nuong nakaraan nang tumira siya sa Bontoc, isang nayon ng Igorot, at nag-asawa ng isang dalagang Bontoc. Ang mga bato ng kanilang bahay ay nakikita sa nayon hanggang ngayon.
Si Lumawig ang lumikha sa Igorot, at mula nuon, lagi na niyang inalagaan ang mga ito, tinuruan kung paano malabanan ang mga panganib sa kalikasan, kung paano magtanim, mag-ani at, katunayan, lahat ng alam ng mga Igorot ngayon. Buwan-buwan, pinaparangalan siya sa isang pagdiriwang sa banal (sagrado, holy) na kumpol ng mga puno. Sa paniwala ng mga Bontoc, ang mga puno ay tumubo sa ibabaw ng mga libingan ng mga anak ni Lumawig. Sa buwanang pagdiriwang, nagdarasal ang mga tao na maligtas sa sakit, mag-ani ng maraming pagkain, at magtagumpay sa bakbakan.
Halos magkatulad ang Lumawig ng mga Igorot at ang Kaboniyan, tinawag ding Kambun’yan, na ‘diwata’ ng mga Tinguian (bigkas: ting-YAN, ibig sabihin ay ‘taga-tinggi’ o ‘taga-bundok’) sa hilagang (norte, northern) dulo ng bulubunduking Cordillera... -- Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916
NUONG simula, walang tao sa daigdig. Si Lumawig, ang pinaka-makapangyarihang diwa (espiritu, god ), ay bumaba mula sa langit at pumutol ng maraming yantok (cañas, reeds). Pinaghiwa-hiwalay niya ang mga ito nang tig-2 bago ikinalat sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tapos, inutusan niya ang mga ito.
“Magsalita kayong lahat!”
Walang kaabog-abog, ang mga yantok ay naging mga tao, - naging isang babae at isang lalaki ang bawat tig-2 ikinalat sa daigdig. At lahat sila ay nagsimulang magsalita subalit magka-kaiba ang kanilang mga wika.
“Mag-asawa kayong lahat!”
Ito ang sunod na utos ni Lumawig. Sumunod ang mga bagong tao at pagkaraan ng panahon, maraming mga anak ang isinilang. Pagtagal pa, nag-asawa-asawa rin ang mga anak kaya lalong dumami ang mga tao sa daigdig. Lahat ay nagsalita ng wika ng kanilang mga magulang kaya magka-kaiba ang usap-usapan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Napansin ni Lumawig na may mga kailangan ang mga tao, at
lumapag siya muli sa lupa upang magbigay ng biyaya. Nilikha niya ang asin, at inutos sa mga tao sa isang puok na pakuluan ito hanggang matuyo at tumigas, at ipagbili sa mga kalapit-pangkat. Hindi naunawaan ng mga tao duon kung paano sumunod sa utos kaya nuong pagbalik ni Lumawig, nakita niyang ni hindi hinipo ang asin. Dinala niya ang asin sa puok na tinawag na Mayinit at ang mga tagaruon ang inutusan. Sinunod siya ng mga tagaruon at, dahil dito, ipinahayag ni Lumawig na sila ang laging mag-aari sa asin habang panahon, at sa kanila bibili ng asin ang ibang mga tao.
Tapos, nagpunta naman si Lumawig sa Bontoc at inutusan ang mga tagaruon na kumuha ng luwad (arcilla, clay) at gumawa ng mga palayok (ollas, pots) at banga (tinajas, jars). Nag-ipon ng luwad ang mga tagaruon subalit hindi nila alam kung paano maghugis kaya tabi-tabingi ang ginawang mga banga. Dahil dito, inutos ni Lumawig na lagi na silang kailangang bumili ng banga mula sa ibang tao. Sa puok ng Samoki nagtuloy si Lumawig at ang mga tagaruon ang pinagawa ng mga banga at palayok. Mainam at maganda ang natapos ng mga taga-Samoki kaya inutos ni Lumawig na sila na ang magiging may-ari ng pagpa-paso (alfareria, pottery), na dapat silang gumawa ng maraming palayok at banga na ipagbibili sa ibang tao.
Sa ganitong paraan, naturuan ni Lumawig ang mga tao ay naibigay sa kanila ang kanilang mga kailangan at gamit pa hanggang ngayon.
Alamat ng Saging
Noong unang panahon ay may isang magandang babae ang nakakilala ng isang lalaki na kakaiba. Nabihag ng lalake ang puso ng babae dahil sa ganda nitong mangusap.Subalit isang araw nagpaalam ang lalaki sa babae at sinabing iyon na ang huli nilang pagkikita. Ayaw ng babae na sila ay magkahiwalay at hinawakan niya ng buong higpit nag kamay ng lalaki upang hindi ito makaalis, pero nawala pa rin ang lalaki at naiwan ang kamay nito, natakot ang babae at nalaman niya na taga ibang mundo ang lalaki. At dahil sa takot ay kanyang ibinaon ang kamay na naiwan sa kanilang bakuran.
Kinabukasan ay dinalaw niya ang lugar kung saan niya ibinaon ang kamay at laking gulat niya na may tumubo dito na puno na may malalapad na dahon, at di nagtagal ay nagkaroon ng bunga na hugis daliri ng mga kamay. At ito ay tinawag na saging ngayon.
ANG ALAMAT NG KULUBOT NG AMPALAYA
Noon unang panahon, lampas pa sa panahon ng Hapon, sa malayong kaharian ng Macarena, may isang gulay na nagngangalang Ampalaya. Ang balat ni Ampalaya ay sadyang anong ganda. Makinis parang gumamit ng ilang libong Silka. Ang kinang nito'y hinahangaan ng kahit sinong gulay. OO, kahit ng Labanos... na noo'y namumutla mula ugat hanggang talbos.
"Ampalaya! Amplaya!" sambit ni Labanos dahil sa kakatwang kadahilana'y lahat ng gulay at hayop sa mga alamat ay nakakapagsalita. "Balat mo'y anong ganda!"
"OO! OO! Alam ko, pake mo!" ang sagot ni Ampalayang palalo.
Balat niya'y sinasamba. Balat niya's kinaiinggitan. Pero ugali ni Ampalaya, ay oh anong sagwa. Lahat ng gulay sa Macarena'y imbiyerna.
Minsan isang araw, isang araw minsan. May naligaw sa kaharian ng Macarena, isang pangit at bilasang Mustasa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, natalisod siya sa nagdaraang Ampalayang naka-pantalon (gusto ko lang mag rhyme).
"Aray! Aray! Tumingin ka sa daan mo, Mamang Kulubot!" ani Ampalaya. Hala, Mustasa lagot!
Uupakan na sana ni Mustasa ang gulay na pahara-hara. Ngunit, datapuwat, subalit ng kanyang lingunin ang salarin... "Aba! Aba! Dalagang kay ganda!"
Tumaas ang kilay ni Ampalaya, kung papaano'y hindi ko maipinta. "Tsupe! Halis! Ang balat mo'y hindi bagay sa makinis!"
"Dapat sa iyo'y nilalagyan ng kahoy sa katawan, at gawing walis!"
Nasaktan si Mustasa sa tinuran ng dalaga. "Bakit, oh bakit? Waring pag-ibig nama'y sulit. Sa iyo lamang iaalay, at hindi titingin kahit kaninong gulay!"
"Ano yang bukang bibig? Aanhin ko ang pag-ibig? Kung ang balat mo'y kulubot, baka kinis ko pa'y mahawa sa tulad mong salot."
Napahiya si Mustasa sa noo'y nanonood na madla. Aba, ang lugar ay nag mukhang live na cinema - inaabangan ang susunod na kabanata.
Si Mustasa'y naiyamot. Ilong niya'y nag-umusok. Balat niyang kulubot waring biglay' sumabog!! Kumalat ang ulap. Ang buong madla'y napagilalas! Sa gitna ng alapaap, may duwendeng lumabas!
"Si Mustasa! Si Mustasa! Diwata pala!" sigaw ni Mani mula sa umpukan ng madla.
"Tanga! Tanga! Duwende, hindi Diwata!" panghahamak ng may akda (extra ako, hehe).
"Churi! Churi! Tao lang. Ahihi, " tawa ni Mani. "Balik na sa kwento para ika'y sa wakas makauwi!"
"Dahil sa iyong ugaling pagkasama, nanakawin ko sa iyo ang pinagyayabang mong ganda!" sumpa ng nagkunwaring Mustasa. Kumumpas siya't nag orasyon at paligid ni Ampalaya'y inambon.
Nang maglaon at tumigil ang ambon, ang lahat ng kagulayan ay namangha! Si Ampalayang diyosa ang turing... aba, aba at kasing kulubot na ni Madam Auring!
"Iyan ay kaparusahan sa ginawa mong pag hamak sa akin," ani ni Duwende sabay naglahong parang hangin.
Wala nang nagawa si Ampalaya kung hindi lumuha. Pinagyayabang na balat, ngayo'y anong kulubot na. Lumuha siya sa loob ng isang libong gabi at isang libong umaga... kaya ang karanasan niya'y naging mapait. Iyan din ang rason kung bakit lasa niya din ay ganun kapait.
Eto ang dahilan kung bakit magpahanggang ngayon, ang balat ni Ampalaya ay kulubot parang alon. Diyan nagtatapos ang aking kwento. Ang aral? Huwag antukin sa trabaho.
ALAMAT NG BAYABAS
Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.
Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.
Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.
Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.
Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na pinamumugaran ng iba't ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman. Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng mga puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam na ang tiyan.
Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang maningisda, at pagkatapos ay patawarik na niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni Barabas ang pobre.
Nakarating sa aswas ng mangingisda na isang magdadaing ang balitang pagpaparusa at pagpapakulong. Dali dali itong nagpunta. Kahit alam niyang natutulog pa ang Sultan ay pinuntahan niya at kinatok an gang tirahan ng pinuno.
Galit na Galit na nagising ang Sultan. Itinanong ng mayabang na pinuno kung sino siya. Sinabi ng kumakatok na magdadaing ang aswa ng mangingisda at naroon siya upang ipakiusap na pakawalan na ang ikinulong. Nagkibit balikat lang ang gahaman. Nang malaman ng Sultan na ekspertong magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng paraan ang tuso. Lalo itong naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat sa mga langgam ang kaawa awng magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan. Kahit nakakulong ay natutuwa ang mag-asawa sapagkat sia ay muling nagkita. Upang maging produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuhuli ng mangingisda ay pinasusukaan agad sa magdadaing.
Bagamat maligaya ang mag-asawa na kahit mga alipin ay magkasama, sumasagi rin sa kanila ang kalungkutan kapag naaalala nila ang tagging anak na naiwan sa kailang tahanan.
Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may mga ada naming nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buahay na kahiy totoy na totoy pa sa kamusmusan ay marunong na ring manindigan.
"Saan po ba naroon ang tatay at nanay ko?"
"Nasa kaharian sila ni Sultan Barabas. Pinaparusahan sila at ipinakulong sa mga kasalang hindi nila dapat pagdusahan."
"Tulungan po ninyo ako. Gusto ko po sila makawala sa kulungan."
Nang makita ng ada na lumuluha ang kaisa -isang anak ng mangingisda at magdadaing ay naawa sila.Nang gabi ring iyon ay inilawan nila ang daan ng inosenteng bata papunta sa kaharian.
Ang mahimbing na pagtulog ng Sultan ay lubhang nagambala ng malakas na katok ng bata sa pintuan ng kaharian.
"Sino ka at ganitong oras ng gabi ay kumakatok ka sa palasyo ko?"
"Gutom na gutom na ako. Hihingi ako ng pagkain sa mesang kainan mo."
"At bakit sa akin ka hihingi ng pagkain mo?" nagaalborotong tanong ng Sultan.
"Pinasisid mo sa dagat ang ama kong mangingisda. Ang ina ko naman ay pinagdadaing mo. Sila ang dahilan kaya marangyang-marangya ang iyong mesang kainan."
"Lintik na bata ka!" nanginginig sag alit na sigaw ng Sultan." Ano ang karapatan mong himingi ng anuman sa aking mesa?"
"Hindi ikaw ang nagpagod upang mangisda atmagdaing. Mga magulang ko ang iyong inalipin. Sa anumang kanilang itinanim, sila lang ang dapat na may anihin.?"
"Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na Sultan akong dapat mong igalang?" nangangalog ang babang sigaw ng gahaman.
Napansin ng bata ang makinang na koronang naiwan ng Sultan sa higaan. Tinakbo niya ito at isinuot at nag-iinsultong nagwika, " Ang korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider na mabuti sa tao. Msama ka ipinakulong mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang habulin mo at ipakulong mo, "nangiinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang bata.
Sa sobrang galit ng Sultan ay hinabol niya ng hinabol ang musmos.Hindi maabut abutan ang sukab ang inosenteng bata sapagkat inililipad ito ng mga ada. Nakarating ang habulan sa malawak na harding kinatataniman ng maraming punongkahoy. Sa sobrang pagod ay sumakit ang dibdib ng Sultan na ikinatumaba niya. Noon din ay namatay ang Sultang walang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng katarungan.
Sa lugar na kinatumbahan inilibing ang Sultan.
Ang kamatayan ng ganid na dapat sana'y ipinagluksa ay ikinatuwa pa ng marami.
Ang humaliling Sultan ay kakaiba sa namatay. Tinitimbang niyang mabuti ang bawat paratang sa sinumang nagkakasala. Hindi rin siya padalos-dalos sa pagpapataw ng parusa. Sinisikap niyang magbigay ng isang makatarungang pagpapasya sa kaso ng sinumang nasasakupan niya mahirap man o mayaman. Para sa kanya ang lahat ay pantay-pantay sa napipiringang katarungan.
Sapagkat totoong makatarunagan, pinalaya at tinulungan ng bagong Sultang makapamuhay nang matiwasay ang mangingisda at magdadaing. Binigyan niya ng krapatan ang inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin upang mamitas ng anumang prutas na kanyang piliin. Ipinagdiwang ng lahat ang panunungkulan ng makatarungang Sultan.
Isang araw na naglilibot ng hardin ng palasyo ang bagong Sultan ay nakatawag ng pansin niya ang isang halamang tumubo sa pinaglibingan kay Barabas. Pinadiligan niya oito sa mga hardinero at pinaalagaan araw-araw.
Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona at tuktok.
"Si Barabas yan!"sigaw ng mga tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat sila.
"Pagkapait-pait! Kasimpait ng ugali ni Barabas!"
Ilang araw lang ng lumipas ay lumaki ang mga bunga ng berdeng prutas. Nang kagatin ng bata ay napangiwi sila.
"Pagkaasi-asim! Kasing asim ng mukha ni Barabas!"
Hindi nagtagal, ang mga berdeng bunga ay dumilaw at huminog na Napangiti ang lahat ng pitasin ang bunga at kagatin.
"Pagkatamis-tamis! Pagkasarap-sarap ng Barabas!"
Magmula noon, tinawag ng Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona. Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang nagsisagot na, "Barabas, Barabas, Bayabas!"
Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.
ALAMAT NG DURIAN
Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.
Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi'y munting tinik.
Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.
Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.
Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.
Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.
Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y namulaklak at namunga.
Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.
Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.
Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.
Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.
Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.
Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.
Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.
ALAMAT NG KAMATSILE
Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga. Sa tabi nito'y may nagsitubong iba't ibang mga punong may magagada't mababangong bulaklak na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na maipagmalaki, nguni't maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na mga sanga. Subali't di man ito makatawag-pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating malabis ng abang puno ng kamatsile.
Isang araw, malakas na naibulalas ng kamatsile ang kanyang hinanakit. "Naku! Anong pagkalungkot-lungkot na buhay itong akin. Kung ako ba'y nagtataglay ng bulaklak na katulad ng mga katabi kong puno, sana'y makagagayuma rin ako sa mga taong dito'y nagsisipagdaan."
Ang ganyan niyang himutok ay umabot sa pagdinig ng cadena de amor na gumagapang sa kanyang paanan. Kaya't ang daing ng kamatsile ay kanyang sinagot. "Madaling lutasin iyan, kung nais mong magkaroon ng bulaklak na kaakit-akit ay tulutanmong ako'y mangunyapit sa iyong mga sanga."
Ang kamatsile ay sumang-ayon sa magandang mungkahi ng cadena de amor. Di naglipat araw at ang dating nag-iisang puno ng kamatsile ay nag-uumugong sa mga bubuyog na sa kanya'y laging nag-kukumpol-kumpol. Ang mga tao naman ay di siya iniiwan ng tingin.
Nguni't pagkalipas ng ilang linggo ay di na makatagal sa sukal na sa kanyang sanga ay nakabalot. Kaya't sa cadena de amor, siya'y di makatiis na di magpahayag ng kanyang dinaramdam. "Oo ngat ako'y hinahangaan ng maraming tao, di ko naman malanghap ngayon ang mabangong simoy ng hangin, di ko man lamang masilayan ang mga baging na iyong ibinalabal sa akin.
"Subali't ano mang pagsusumamo ng abang puno ng kamatsile ay nawalan ng saysay sa lubos na nasisiyahang cadena de amor. Nguni't sa malaking habag ng Maykapal ay pinagkalooban din siya ng pananggalang sa cadena de amor. Ang tinik na magpahanggang sa ngayon ay nagmamalasakit sa kanya.
ANG ALAMAT NG KASOY
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.
Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.
"Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan."
Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.
"Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?"
"Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito."
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto."
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.
"Ga...Ganito pala sa labas. Ma...Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A...Ayoko na sa labas."
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.
Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
ALAMAT NG LANSONES
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari'y lalong nagpalinamnam sa lansones.
ALAMAT NG MAKOPA
Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng iasng mataas na bundok at halos naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.
Ngunit sa lahat ang pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na nakasabit sa simboryo ng simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang. Dito ay may napapaloob na hiwaga at ang paniwala'y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa nila sa buhay. Ang batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo ang tunog. Kung tumutunog ay kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong makarinigay sapilitang lumuluhod at taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyaya nilang tinatanggap.Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa kanilang batingaw.
Maraming sa tao sa malalayong bayan ang nakaalam sa kahalagahan ng kampanang ito. Hindi lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na makamtan ang nasabing batingaw. Higit sa lahat na may nais ay ang mga tulisang naninirahan sa gubat. Balak nilang tunawin ito kapagka nakuha nila.
Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na: "Tulisan, tulisan ang mga tulisan ay dumarating!" Di nag-aksaya ng panahon ang pari at ang dalawang sakristan, biglang ibinababa ang kampana't itinago. Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw. Ang pari at mga sakristan ay pingsasaktan ng mga tulisan at pilit na pinalabas sa kanila ang batingaw. Datapwa't hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay pinagpuputlan sila ng liig. Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.
Ang bayan ay nagulo. Lahat ng tao'y nalungkot pagka't ang pinakamamahal nilang batingaw ay di nila makita sapagka't ang nakaalam lamang ng pinagtaguan nito ay ang tatlong pinatay ng tulisan. Lahat ng mamamayan - bata, matanda, mayaman, mahirap ay para-parang nangagsipaghanap. Nguni't hindi rin nila matagpuan. Lumipas ang maraming araw at ang batinagw ay patuloy ng naglaho. Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa kanilang banal na gawain. Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal. Ang mga bukid ay naiwan ding tiwangwang. Lagi na lamang may gulo sa bayan. Anupa't ang bayan ay nababalot ng kalungkutan.
Isang umaga, may maraming taon na nakalilipas ang mga taong nagdaraan sa may simbahan ay nakakita ng isang punung-kahoy sa tabi ng kumbento na hitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga bungang kahoy. Ang mga bunga ay kakaiba ang hugis, at hugis kampana. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ng puno at sila ay nagtaka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa hugis kampana ay mamula-mula pa na anaki'y ginto. Isang matandang lalaki ang pumagitna sa mga taong nangaroroon at nagsalita ng, "Habang ako'y natutulog, tila nakarinig ako ng isang tinig na nag-uutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento. Ngunit ito'y di ko pansin sa pag-aakala ko na isang panaginip lamang."
Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda. Laki ng katuwaan nila nang matagpuan ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno. Ang lahat ng mga tao ay nagtungo sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandali ang magagandang tunog ng kampana ay narinig na. Ito ay nagbigay ng kasiyahan at katahimikan sa puso ng mga tao habang sila ay tamtim na nananalangin.
Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ng pagbubunga at nang lumaon ay napag-alamang iyon ay kinakain. Ang mga bata'y nangatutuwa sa hugis ng bunga nito, kawangki ng kopa. Pagkalipas ng ilang araw ang bunga ay tinaguriang "Makopa".
ANG ALAMAT NG NIYOG
Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.
Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito.
Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak.
"Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng ikalawang anak.
"Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng ikatlong anak.
Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi.
"Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.
Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.
Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo.
Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.
"Marahil aakyatin ko na lamang itong puno," sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga.
"Mga ulo ninyo," ang sigaw niyang babala sa itaas. "Ibabagsak ko ito at buksan ninyo."
Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.
"Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig," sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay: "Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito," ang wika ng ikaapat na anak.
Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyak sa itaas ng puno.
Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila magugutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog ditto sa daigdig.
ALAMAT NG PAKWAN
Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito, pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na manghikayat.
Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo. Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.
Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.
Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.
Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo, isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.
Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.
Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.
Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng pakwan.
ALAMAT NG PINYA
Noong unang panahon, may isang mag-asawang nagngangalang Emilio at Marcela. Sila ay may anak na dalagang ang pangalan ay Rufina. Si Rufina ay lubhang pinalaki sa layaw ng kanyang ama kaya't siya na lamang nagiging dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.
Si Rufina ay walang nais gawin kundi humarap sa salamin at mag-ayos ng mukha o kaya'y magtungo sa halamanan at magmasid ng mga bulaklak. Wala siyang hilig sa pag-aayos ng bahay, at kung siya naman ay inuutusan ng kanyang ina ito ay walang matanggap na kasiyahan sa kanyang pag-utos.
Isang araw, si Aling Sela at si Mang Milyo'y nagkasagutang mabuti tungkol kay Rufina.
"Talagang hindi ko na malaman kung paano ang gagawin ko upang maturuan ng wastong pamamahay iyang si Rufina," ang nagagalit na wika ni Aling Sela.
"Bakit mo pinapaghihirapan ang loob mo?" ang tanong naman ni Mang Milyo. "Hindi ba't tayo'y may mga alila? Bakit hindi sila ang utusan mo kung mayroon kang ibig ipagawa? Bakit si Rufina ang pinipilit mong gumawa ng mga bagay na dapat gawin ng mga alila?"
Si Aling Sela ay lalong nagalit.
"Paano ko nga ba matuturuan iyang anak mo ng pagkababae ay sa ikaw ang una-unang nagpapalala? Matuturuan ba iyan ng kahit na ano sa pinababayaan mong magkasungay," ang galit nag alit na wika ni Aling Sela.
"Huwag kang magalit," ang amo ni Mang Milyo. "Ang sinasabi ko lamang ay hindi mo dapat ipagawa kay Rufina ang mga bagay na dapat gawin ng mga alila sapagkat tayo'y bumabayad ng mga alila upang may gumawa ng mga bagay na iyan. Bakit pa tayo bumabayad ng mga alila?"
"Ang ibig mong sabihin ay wala nang dapat matutuhan ang batang iyan sapagkat tayo'y may mga alila?" ang tanong ni Aling Sela.
"Iyan nga ang ibig kong sabihin kanina pa," ang sang-ayon ni Mang Milyo.
"At kung tayo'y wala nang kaya sa pagbabayad ng mga alila?" ang patuloy na usisa ni Aling Sela.
"A, hindi maaari iyon sapagkat tayo naman ay mayaman," paliwanag ni Mang Milyo.
Ang sagot ni Mang Milyo ay lalong nagpagalit kay Aling Sela.
"Hindi ako nagtatakang ang anak mo ay magkasungay!" ang nanginginig na sigaw ni Aling Sela. "Ngayon lamang ako nakakita ng magulang na kamukha mo. Lumayas ka riyan!"
Upang hindi na lumala pa ang usapan, si Mang Milyo ay nanaog ng bahay. Minarapat niya ang mamasyal-masyal muna at kung malamig na ang ulo ni Aling Sela ay saka na siya babalik.
Si Aling Sela naman ay nakaisip manulsi at nang makalimutan niya ang mga pinagsasabi sa kanya ni Mang Milyo.
"Rufina!" ang tawag ni Aling Sela. "Kunin mo nga ang kahon ko ng karayom at sinulid at ako'y manunulsi."
Si Aling Sela ay matagal na naghintay ngunit si Rufina ay hindi pumasok sa kanyang silid.
"Rufina!" ang ulit na tawag ni Aling Sela. "Bingi ka ba? Hindi mo ba ako naririnig? Kunin mo ang kahon ng karayom at sinulid at ako'y manunulsi."
Si Rufina na noon pala ay nakaharap sa salamin ay nag-aayos ng mukha ay noon pa lamang sumagot.
"Sandali na lamang po. Matatapos na ako."
Si Aling Sela ay nagpigil ng galit. Hindi niya ibig na lumala pa ang kanyang kagalitan.
"Ano ba? Hindi ka pa ba tapos?" ang usisa ni Aling Sela pagkaraan ng ilang sandali. "Magdala ka ng kahon ng karayom at sinulid."
Naghintay pang muli si Aling Sela bago dumating si Rufina sa kanyang silid. At nang dumating ito ay walang dalang kahon.
"Wala po akong makitang kahon ng karayom at sinulid," ang pahayag ni Rufina.
"Wala kang makita e naroon lamang ang kahon sa mesa mo?" ang pagtatakang wika ni Aling Sela.
"Sinabi ko nap o sa inyong wala akong makita, e," ang pagalit na tugon ni Rufina.
"Bakit, wala ka bang mata? Wala ka na bang nakikita kundi ang isinusurot sa mata mo?" ang pagalit na ring usisa ni Aling Sela.
Si Rufina na noon ay lumabas na ng silid at patungong halamanan ay sumagot nang pasigaw:
"Opo, wala po akong nakikita kundi ang isinusurot sa mga mata ko."
Ang galit ni Aling Sela ay hindi na napigilan. Nakita niyang si Rufina ay nasa halamanan na at nagmamasid na naman sa mga bulaklak.
"Diyos ko! Bakit hindi Mo pa po gawing reyna ng mga halaman ang anak ko at nang hindi na niya ako nilalapastangan? Bakit hindi Mo pa po siya gawing isang halamang may sandaang mata!"
Noon din ay nawala sa kinatatayuan si Rufina. Si Aling Sela na dali-daling nanaog upang magsiyasat sa nangyari ay walang nakitang bakas ng kanyang anak saan man siya bumaling. Ngunit sa kinatayuan ni Rufina ay nakita niya ang isang bagong halaman. Ang halamang iyon ay may mahahabang dahong maraming tinik at sa gitna ng mga dahon ay may bungang malaking tila may korona sa ibabaw. Anong himala! Ang bungang iyon ay ligid ng kayraming mga mata!
ALAMAT NG SAGING
May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos. Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe. Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.
Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggap ang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.
Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon sa aming kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y..." at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.
"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe. Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ng prinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nag-usap na naman sila ng nag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe.
Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako, Mariang Maganda. Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali't tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang Maganda.
Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang halamanan at ibinaon ang mga kamay.
Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad ang mga dahon at walang sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ng prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mga bulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa daigdig.
ALAMAT NG SAMPALOK
Sa isang komunidad ay amy matapobreng donyang sobra sa sungit. Wala itong kinikilalang kapitbahay. Kailangang lagi mo siyang tinatawag na donya upang hindi ka niya ingusan at sigaw-sigawan.
Kapag may kalamidad tulad ng bagyo, sunog, o lindol na lubhang nakaapekto sa mga kapitbahay ay wala siya isa mang tinutulungan. Ang lahat ng kayamanan ay kanyang iniingatan. Gusto niyang lagi itong nadadagdagan upang mapanatili raw niya ang kasaganaan habambuhay.
Sa kawalan ng puso ng donya ay malayo ang damdamin ng mga kababayan niya. Kapag bumababa sa malapalasyong bahay at sumakay sa ipinagyayabang na karwahe ay parang wala siyang sinumang nakikita. Para sa kanya pinakamayaman siya at pawang maralitang dapat tapak-tapakan ang lahat na.
Sa panunuod ng mga sarsuela sa plaza ay kailangang ipagdala siya ng silya ng mga katulong na inaapi-api niya. Gusto niyang pag-usapan ng lahat ang bago niyang baro at saya.
Sa pagsisimba sa kapilya gusting-gusto rin niyang sa harapan siya nakikita. Laging may dalawa siyang katulong na nagsasalit magpaypay sa kaniya. Kapag bigayan na ng abuloy sa simbahan ay parang bulag siyang walang nakikita. Ayaw niya kasing mabawasan kahit katiting ang iniingatang kayamanan na hindi naman niya madadala sa libingan.
Kapag nagdadaan ang prusisyon sa lansangan ay makikitang buong rangyang nagliliwanag ang malalaking bintana ng donya. Ngingisi-ngisi siyang nanunungaw na para bang nagpapahayag sa lahat na tanging ang bahay niya ang pinakamalaki at pinakamaganda na dapat tingnan lamang at kaingitan.
Iyan ang donyang makasarili at mayabang. Walang panahon sa mga kapitbahay at tuwang-tuwang nakauungos sa lahat ng bagay.
Isang tanghali ay galit nag alit ang donya sapagkat nagambala ng nagkakaingay na mga bata ang prenteng-prenteng pagtulog niya. Sumagsag siyang pababa. Nakita niyang nag-aagawan ang mga bata sa mga buto ng halamang ipinamimigay ng isang matandang pulubi.
"Hoy pulubi! Bakit mo ipinamumudmod ang mga butong iyan sa oras ng pagtulog ko ha?" nanggagalaiting tanong ng ganid na donya.
"Pa...pasensya na po kayo. Hindi ko po alam na natutulog kayo," pagmamakaawa ng pulubi.
"Pasensya, naistorbo mo na ang pagtulog ng reyna ngayon ka pa magdidispensa? Hoy mga bata, huwag na huwag kayong mag-iingay sa harap ng bahay ko oras-oras, minu-minuto. Kung hindi ay matitikman ninyo ang galit ko!" asar na sigaw ng donyang walang pinahahalagahan.
Napaurong ang nanginginig na mga bata nang paghahablutin ng donya ang matitigas na butong tangan-tangan nila.
"Dahil sa mga batang ito nagising tuloy ako. Sige mabahong pulubi, lumayas ka na!. Kay rin mga pesteng bata kayo, umalis kayo sa harap ko!. Alis ngayon din, pronto!"
Nang mapag-isa ang mapang-aping donya ay galit na galit na itinapon nito ang mga buto sa bakuran.
Isang lingo lang ang lumipas ay nagulat ang donya nang matanaw niya sa bakuran ang naglalakihang mga halaman. Natitiyak niyang ang mga iyon ang mga butong ipinamahagi ng pulubi sa mga bata.
Hindi nagtagal ang mga halaman ay naging matataas na puno. Takang-taka ang donya nang mamunga ang mga ibinato niyang mga buto. Pagkatatamis at matuwid na matuwid ang mga bunga ng mga punong may malalabay na mga sanga.
Isang hapong masayang pinagmasdan ng donya ang mga punong hitik sa bunga ay nasulyapan niya ang nakagalitang mga bata na titinga-tingala.
"Pwede po bang makahingi?" gutom na nakikiusap ang mga bata.
"Ano, pahingi? Ako ang nagtanim at nagdilig bakit kailangang manghingi kayo? Mga walang modo! Parang wala kayong mga magulang na nagtuturo sa inyo. Umalis kayo ngayon dito. Bilisan ninyo!"
Upang mapabilis ang pagpapaalis ay kumuha ng timba ng tubig ang donya. Humahalakhak na pinagbabasa nito ang mga paslit na bata na ginaw na ginaw at lubhang kaawa-awa.
Sa di kalayuan ay biglang sumulpot mula sa kawalan ang uugud-ugod na pulubi. Alam niyang nagmamalabis na naman ang donya kaya napilitang lumapit siya. Nagmakaawa siyang bigyan man lang siya ng kahit ilang bunga ng mga punong nagsitubo sa malawak na bakuran.
"Hoy pulubi heto ka na naman. Dati ay inistorbo mo ako sa pagtulog. Ngayon nama'y humihingi ka ng ipagtatawid gutom. Ayokong makita ang pagmumukha mo. Lumayas ka, layas!"
Hindi tuminag sa pagkakatayo ang matanda.
"Sobra ka na! Ang nagugutom ay dapat mong pakainin. Ang nauuhaw ay dapat mong painumin!"
"Kahit kumpul-kumpol ang matatamis na bunga ng mga punong ito ay ipagdadamot ko sa iyo. Wala akong pakialam kung magutom ka man. Ang mahalaga ay kinaiinggitan ng lahat ang mga punong tumubo sa aking bakuran."
"Ka...kahit na isa man lang. Kaawaan mo na ang isang matandang katulad ko na hilahod na sa gutom."
"Kahit na kaputol ay di kita bibigyan. Manigas ka riyan sa gutom."
Akmang papanhik na ang donya nang biglang habulin ng pulubi ang nahuhulog na kumpol na mga bunga.
Sa sobrang galit ng donya ay sinundan kaagad nito ang yuyuko sanang pulubi. Hinablot ng matapobre ang braso ng matanda at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaliwang pisngi ng pobre. Ang lakas ng sampal ay ikinatumba at ikinasadlak ng pulubi sa maalikabok na bakuran ng gahaman.
Nanginginig na tumindig ang pulubi at sa isang marangal na tinig ay nangusap, "Kaawa-awa ka Petronila." Takang-taka ang donya pagkat alam ng pulubi ang tunay na pangalan niya. "Pulubi nga ako pero busilak naman ang puso ko. Ang ibinibigay ko lamang ay anumang aking nakakayanan. Ang mga buto ng halamang namumunga sa iyong bakuran ay mga butong nakaya kong ihandog sa mga pobreng batang tumulong sa akin upang makatawid ako sa tulay na baging na natatanaw mo mula rito. Mga buto lang iyan na pinagkaguluhan at pinagkatuwaan lang nilang paghati-hatian. Mga butong inagaw mo sa kanila na ngayong namunga ay ipinagkait mong hatian sila. Isinusumpa kong magiging maasim ang bunga ng punong iyan. Matuto ka sanang magpakababa sapagkat mamamatay din tayo at ang lupang tinutuntungan natin ay siya ring lupang sa atin ay maglilibing."
Pagkasabi nito ay tumalikod na ang matanda. Kinabahan ang donya lalo na nang ang mga bunga ng mga punong nasa harap ay nagsiurong at nagmistulang ga daliring nanduduro.
"Lo...lola patawarin ninyo ako," lumuluhang sabi ng mapagmataas na donya. Pero kahit na anong alok na ihain ay hindi na lumingon pa ang pulubing tila magliliwanag ang katauhan sa mataos na kabaitan.
"Sinampal mo ako tapos inalok?" gumagaralgal pa rin ang tinig ng pulubi na sa isang iglap ay nagging liwanag na nakasisilaw. Nang mawala sa harap niya ang matanda ay napaluhod ang donya sa malaking misteryong naganap sa kanya.
Sapagkat sumampal tapos ay nag-alok, ang prutas na umasim mula noon ay tinawag nang Sampal-Ok na sa paglipas ng mga taon ay naging Sampalok. Diyan nagsimula ang alamat ng Sampalok.
ALAMAT NG ASO
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.
Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.
Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose.
Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.
At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.
Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.
Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.
Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa.
At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.
Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.
"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria.
"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose.
Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.
Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.
Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol.
Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.
Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.
Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.
Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.
"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.
Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.
"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon.
Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.
At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.
At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.
Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.
Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.
Kaya't maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.
ALAMAT NG BUTIKI
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.
Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na binata.
Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.
Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena.
Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya't agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.
"O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon," ang wika ni Aling Rosa sa anak.
"Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat," ang pagsisinungaling ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita."
"Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko," ang pagsusumamo ni Juan.
"Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!" ang matigas na wika ni Helena.
Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi
Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.
"Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina," ang umiiyak na wika ni Aling Rosa.
"Dios ko po, Inay! Patawarin n'yo ako!" ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.
Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.
Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.
Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.
Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba't ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid.
Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap.
Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.
At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga engkanto.
ALAMAT NG GAGAMBA
Si Gamba ay isang manghahabi. Siya ang pinakamahusay sa lahat ng manghahabi sa kanilang komunidad.
Sapagkat alam niyang siya ang pinakamagaling, taas noo siya at walang sinumang pinapansin.
"Ate, pahiramin mo naman ako ng karayom na pamburda mo. Pwede ba Ate?"
Galit na umangil si Gamba, "Lumayu-layo ka nga rito. Huwag mong mahiram-hiram ang pamburda ko. Baka masira lang ito, wala kang perang ipambayad dito. Layo!"
Napaiyak ang kapatid na babae ni Gamba. Naramdaman niyang hindi siya itinuturing na kapatid ng ate niya. Parang langit ang taas nito, napakahirap abutin.
Maya-maya, ang kapatid na lalaki naman ang lumapit kay Gamba.
"Ate, Ate tulungan mo naman ako. Pakisulsi mo namn ang napunit na kamiseta ko."
"Lumayo ka rito. Istorbo ka talaga. Doon ka sa Nanay magpasulsi. Walang ginagawa ang matandang iyan! Sige layo ka rito. Layo!"
Narinig ng ina ang mapagmataas na tinig ng anak. Nagpupuyos ang damdamin ng kahabag-habag na ina. Gusto sana niyang saktan si Gamba subalit nagpigil siya.
"Sumusobra ka na Gamba. Obligasyon mong pakitaan ng mabuting asal ang mga kapatid mo. Kung nanghihiram sila sa iyo, pahiramin mo. Kung humihingi sila ng tulong, tulungan mo. Hindi lang kapatid mo ang dapat pagpakitaan mo ng kagandahang-loob. Lahat ng nangangailangan ay dapat mong kalingain." Parang walang narinig si Gamba. Patuloy itong humabi ng tela mula sa mga sinulid na nasa ikitan niya.
Isang gabing inaaya si Gamba ng ina upang maghapunan, pagalit itong sumigaw, "Ano ba kayo. Iniistorbo na naman ninyo ako. Di ba ninyo nakikitang hindi pa ako tapos sa hinahabi ko?"
"Ba...baka magkasakit ka, iha, kung malilipasan ka sa pagkain."
"Wala kayong pakialam."
"Gamba," pagpigil ng mapagmahal na ina, "kasalanan sa Diyos ang pagtanggi mo sa pagkain."
"Ano bang kasa-kasalanan. Wala akong pakialam kung kasalanan man yun. Inuulit ko. Pabayaan ninyo ako sa ginagawa ko!"
"Patawarin ka ni Bathala," luhaang sabi ng ina.
"Sana humabi ka na lang nang humabi," inis na hiling ng kapatid na babae ni Gamba.
"Oo nga humabi ka na lang nang humabi...humabi nang humabi," dugtong ng kapatid niyang lalaki.
Ang hiling ng magkapatid ay dininig ni Bathala. Sa isang makapangyarihang tinig ay narinig ng lahat ang galit Nito, Naging mapagmataas ka sa kaunting kaalamang bigay Ko sa iyo. Di mo kinakalinga ang mga kapatid na kailangang tulungan. Hindi mo rin binigyan ng puwang sa puso ang magulang mo! Pati na biyaya sa hapagkainang dulot Ko ay tinatalikuran mo. Bilang parusa, paghahabi na lang ang gagawin mo araw-araw, oras-oras, minu-minuto!"
Pagkasabi nito ay biglang nawalang parang bula si Gamba. Isang insektong paikut-ikot na humahabi ng sapot ang naiwan sa silyang kinauupuan ng dalaga.
Sa awa sa anak ay napahagulgol ang ina at marahang hinaplos nitoang insekto at tinawag na Gamba...Gamba.
Magmula noon si Gamba ay tinawag nang Gagamba na araw at gabi ay walang tigil sa paghabi hindi ng sinulid sa ikiran kundi ng sapot mula sa kanyang katawan.
Iyan ang pinagmulan ng alamat ng Gagamba.
ALAMAT NG MATSING
Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.
Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.
"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng pangit sa palasyo.
Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.
Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng prinsesa.
Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y si Prinsipe Algori.
Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.
Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.
"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.
"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori.
Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.
"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila nandidiri.
Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito.
Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay Prinsipe Algori.
Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan.
Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.
Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na lamang ang gulat ng lahat.
Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori.
"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.
Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.
Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.
Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.
ALAMAT NG PAGONG
Nakakita nab a kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na dalatan o katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-tingin ay tila munting plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at ulong sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa paniniwala, nagiging malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang tiyak ay masarap ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.
Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos niyang landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing sandata ng Barangay Lumubog-Lumitaw.
Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na at walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa nang inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran. Hindi marahil magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na walang nais kumandili.
Isang maliwanag at napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay nagdiriwang. Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang babaing una at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat Alamid na ngayon ay bagong lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man ang puso at dibdib, ang lahat ay mababata at matitiis; ngunit kapag dangal niya ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa, babagsak ang langit!
At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang malapad na bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita, hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang mapait. Kung ang puso niya'y bigo at sawi sa pag-ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...! Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan! "Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-Sulong, "Tanging ito lamang ang lunas!" At siya'y tumindig...lumakad! Kumalabusaw ang tinig... papalayo... papalayo... patungo sa laot ng karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang kapaligiran, yumanig ang lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa at nang mamamatay kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na siyang bumaligtad nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa roon ng dagat ay nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga alon...patungo...patungo sa dako niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!
Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat Urong-Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay...sa dakong kinalalagyan ng isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong...sunod-sunod, hataw-tunog, pandalas...mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang mapatalastasan ang lahat sa napipintong panganib.
Bawat lakbay-tunog ay umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin ng mga tambuli sa lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng "Madaling Paglikas sa Burol!" Ang "Pag-gong" ni Gat Urong-Sulong ay patuloy...at patuloy din ang paglikas sa burol ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit ay bahagi na ng karagatan ang buong barangay nang sakmalin ito ng mga rumaragasang dambuhalang alon! "Salamat kay Gat Urong-Sulong! Kung hindi sa kanyang "Pag-gong" ay wala sinumang makaliligtas sa atin!"
Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong; nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.
Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita ng barangay. "Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon, bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso."
ALAMAT NG PARU-PARO
May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at kulobot. Ang mga mata'y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya'y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad.
Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw.
Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila'y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y nagging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa sa hirap upang may makain.
Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang,"Ang lagit ay asul at ang bunkok ay lunti." Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakpagsalita ng, Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa pangangailangan.
Sila'y naglibot at naakita ang bahay ng diwata." Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon," sabi ng batang lalaki.
"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang dugtong pa.
"Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas.
"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.
Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni't lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulakla. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna bunga.
"Walang nakatira rito!"
"Oo,noong ako'y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis," Sabi ni Ligaya.
"Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Maalaakas,
"Gayon din ako," sagot ni Ligaya.
"Ako'y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito."
Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.
Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap ng langhap pagka'tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.
"Bakit kayo naaangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?" patuloy pa.
Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila'y nanginig sa takot.
"Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda.
Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming...gusto ang...mga prutas..."
"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"
"Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po'y handing magbayad. Kami po'y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi!"
Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip.
"Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo."
Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata. Sila'y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa dulo.
Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!"
Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak.
"Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo'y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!"
Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila'y nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga halaman.
"Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas.
"Ako rin!" sang-ayon Ligaya. "Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!"
"Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni Malakas, "sapagka't tayo ngayo'y mga paruparo ng diwata!"
ALAMAT NG TANDANG
Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa't isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.
Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.
Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong Orasan.
Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.
"Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan."
"Pa...patawad po, Bathalang Sidapa."
"Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!"
Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.
Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
Ito ang pinagmulan ng alamat ng Tandang.
ALAMAT NG BUNDOK ARAYAT
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng engkantada.
Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.
ALAMAT NG BUNDOK BANAHAW
Nang ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw, gayon din ang tahanang natatayo sa paanan at liblib, ay marami nang pook ang pinaninirahan ng mga tao. Lubha pa yaong mga lunsod na malapit sa ilog.
Sa maraming mag-aanak na doo'y ay kabilang ang mag-asawa ng Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagluwat, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbis. Siya ang nagging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas.
Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at nmakatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Pakinggan natin ang balita ni Limbas.
"Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'encantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng hayop ay puti ng balahibo, di lamang ang mga manok pati ang mga usa. Ang kakawan ay napakalawak at humihitik sa mga bunga. May sasakyang hinihila ang dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako at pag-uwi ng bahay ay hindi mawawala ang dulot."
Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi miminsanang nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkainang dala ang nakasisiya sa kanyang mga magulang.
Minsang pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang ballot at sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!"
Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto abg lumabas kundi mga bunga ng Anahaw.
Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!"
At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
ALAMAT NG BUNDOK KANLAON
Ang mga taga-Negros sa Bisayas noong araw ay namumuhay na tiwasay at mariwasa. Ang pangalan ng kanilang hari ay Laon, isang taong may magandang kalooban. Ang mga tao roon ay nagsisigawa sa kanyang bukid at sila'y kahati sa ani.
Isang araw ay umuulan, at ang ulan ay lumakas ng lumakas hanggang sa bumaba sa bukid; anupa't ang tubig ay umapaw hanggang tuhod, at tumaas hanggang baywang, at nagpatuly ng paglaki hanggang liig.
Ang mga tao ay natigatig at naisip nila na masisira ang kanilang mga pananim.
Palibhasa'y mahal ng hari ang mga taoat naisip niyang nawala na ang aanihin huwag lamang mawala ang mga tao. Tinipon ng hari ang lahat ng kampon niya at sinabi, "Gumawa kayo ng mataas na bunton ng lupa." Sumagot ang mga kampon, "Kami po ay walang mga kasangkapan."
Iwinagayway ng hari ang kanyang birang at pagdaka'y nagkaroon na ngmga piko at pala.
Sinabi ng mga kampon, "Wala po kaming mga bato. Ang bunton po ng lupa ay kaylangan naliligiran ng mga bato."
Sa hulung wagyway ng birang ay nagkaroon na ng lahat ng kailangan.
Sa sikap at tiyaga ng mga kampon ay nagkaroon ng malaking bundok. Ang nagging taas ng taluktok ng bundok ay 6,000 talampakan. Duon sila tumahan hanggang sa humupa ang tubig. Nagpatuloy pa rin sila sa paggawa, nagsihukay sila ng bambang na tungo sa dagat upang siyang lagusan ng tubig ng sa gayon ay humupa ang tubig sa baha.
May isang malaking ahas na tumira sa bundok na yaon. Ang ahas ay may pitong ulong kakila-kilabot. Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay kakatwa, na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy.
Isang araw ay may dumating na isang binata na ang pangalan ay Kan. Siya'y makisig at mahiwaga. Nalalaman niya ang ligalig sa bayan at sinabi niya, "Papatayin ko ang ahas. Hindi ako natatakot."
Sinabi ng hari. "Patayin mo ang ahas at paglkakalooba kita ng mga gabok nag into at ang aking anak ay ipagkakaloob ko rin sayo upang maging asawa."
Inihanda ng binata ang plano sa pagpatay sa ahas. Dahil sa may kapangyarihan siya sa mga hayop, tinawag niya ang mga langgam at iniutos niya, "Magsigapang kayo sa buong katawan niya at inyong kagatin."
Tinawag niya ang mga putakti at iniutos niya sa kanila, "Pupugin ninyo ang kanyang mga mata hanggang sa mabulag."
Tinawag niya ang mga uwak at iniutos, "Inyong kamutin at tukain ang kanyang ulo at katawan hanggang sa mamatay."
Sila'y sumunod.Ang ahas ay kanilang napatay.
Pinugot ni Kan ang pitong ulo ng ahas. Ang mga ulong iyon ay inialay sa haring Laon, at mula noon ay matiwasay na namuhay muli ang mga taga-Negros. Ang binatang si Kan ay nagkamit ng yaman at napangasawa ang anak ng hari.
Inaalala ng mga taa roo ang binata at ang hari. Ang bundok ay pinangalanang Kan-Laon at ng magtagal ito'y nagging Kanlaon, bilang parangal kay Kan at Haring Laon.
ALAMAT NG BULKANG MAYON
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga."
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito'y nagsalita, "Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!"
"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"
"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit ditto. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako'y masisiyahan na!"
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
"Maaari bang kita'y makitang muli?"
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.
"Isang araw," mungkahi ng lalaki, "kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"
"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may alinlangang paliwanag. "Dapat niyang malaman!"
"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!"
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan. Kakaunin niya ang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang Magayon.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!"
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.
"Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.
"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si Kauen naman ay malansi at mapaglalang.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
ALAMAT NG BULKANG PINATUBO
Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.
Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim.
"Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda."
"Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana.
"Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu.
"Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito.
"Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay."
"Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay.
"Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu.
"Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay.
"Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu.
Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.
Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.
Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.
May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu," saad ng salamangkero.
"Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu.
"Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng panauhin.
"Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis na pasiya ng Datu.
Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong mutya. Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok.
"Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?" paksa ng usapan ng mga tao.
Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero.
"Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero.
Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito'y kanyang nakaligtaan.
"Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao," sumbong ng matatanda sa Datu.
"Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian.
Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin.
Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe.
"Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya.
"Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng Datu.
"Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas."
Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga.
Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok.
Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.
Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.
Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.
Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo.
"Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti.
Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe.
"May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan.
"Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang hiling ng prinsipe.
"Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu.
Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.
Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging isang lawa.
Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na "Lawa ni Alindaya" sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo.
ALAMAT NG BULKANG TAAL
Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.
Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.
Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak.
Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay.
Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:
"Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa."
"Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?"
"Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.
"Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina."
"Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina," sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.
Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.
"Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!"
"Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu.
Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.
"Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo," paliwanag ng Datu.
"Salamat ng marami po, Ama ko," ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo."
Ilang sandali pa ang lumipas. " Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na," pakiusap ng Datu.
"Siya pong mangyayari Ama ko," Sagot ng Prinsesa.
Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.
Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.
Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.
Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.
Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. "Isang himala ito!' laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?."
Kaya't ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa.
Subali't ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.
Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.
Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.
Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.
Nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.
Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.
Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.
ANG ALAMAT NG ALAGAW
Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigan natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.
Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito,: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ating balangay."
"Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."
Si Marahas nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."
Naghiwalay sila.
Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galling kay marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamanginiwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan.
Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman.
Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.
Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak.
Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan,iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.
Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...
ALAMAT NG ILANG-ILANG
Maraming nagtataka kung bakit hile-hilera ang di mabilang na puno ng ilang-ilang sa Pampang sa Ilog ng Pancipit.
Ang ilog ay homuhoho sa Look ng Balayan. Ang tubig ay galling sa Lawa ng Taal.
Balita ang Ilog Pancipit sa mga isdang-tabang na nahuhuli rito tulad ng maliputo, lumulukso, at tawilis na di nakikita sa alinmang dagat ng Pilipinas. Makasaysayan ang ilog sapagkat si Salcedo na apo ni Legaspi ay diti nasugatan sa pakikipaglaban sa mga negritong pawing nasasandatahan ng makamandag ng palaso.
Ang dalampasigan ng Balayan Bay ay makasaysayan din sapagkat ditto nagtayo ng bayan-bayanan sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela. Magugunita na ang dalawang datung ito ay tumakas galling Borneo upang makaiwas sa kalupitan ng kanilang hari.
Mula sa bunganga ng Bay paitaas sa ilog ay dalawang oras lamang ang tagal sa pamamangka papuntang Lawa ng Taal.
Sa gitna ng lawa nakatayo ang Bulkan ng Taal. Sa lahat ng bulkan sa buong daigdig ito ang may pinakmalaking bibig(crater).
May mga nayon sa dalampasigan ng bulkan. Sa isa sa mga nayon ay may naninirahang magandang dalada na ang pangalan ay Cirila Mabanlo. Ang palayaw sa kanya ng mga tao sa nayon ay Ilang.
Mahal si Ilang ng mga tag nayon.. Siya'y maganda, mabait, at matulungin sa kapwa. Balita ang kanyang kagandahan sa lahat ng sulok ng magkakaanib o kaaway na balangay.
Maraming tagahanga si Ilang, mga binatang manliligaw at tagasuyo. Isa n rito si Lanubo. Siya'y karibal ni Baknotan sa pangingubig.
Kung si Ilang balita sa kanyang kagandahan, si Lanubo nama'y sa kanyang lakas, pagkamaginoo, katapatan, at katapangan. Subok siya sa arnis at buno at dalubhasa sa pangangaso sa gubat.
Sina Ilang at Lanubo ay uliran sa pagmamahal. Sila'y dalawang pusong pinagtambal ng tumutungga sa saro ng ligaya.
Ang ina ng dalaga ay balo. Siya'y sang-ayon sa pag-iibigan ng dalawa. Ano pa ang hahanapin sa isang magiging manugang na lalaking paborito ng nayon?
Makalipas ang sambuwan, hiningi ni Lanubo sa ina ang kamay ni Ilang. Si Lanubo ay tuwan tuwa at nagsimula na ng paghahanda sa darating n gasal.
Binibilang na ang mga araw at ang binata't dalaga ay haharap na sa dambana. Hinihintay na lamang ang nalalapit na anihan.
Isang araw siya'y lumabas sa kagubatan upang mangaso, kasama ang kanyang mga kaibigan. Sila'y manghuhuli ng usa at baboy-ramo na lilitssnin sa kasalan.
Nagpaalaalp si Ilang kay Lanubo, "Mabuti yata't maiwan ka rito. Huwag sumama sa kanila. Ang katiwala mo ang siyang kausapin mong mangulo sa pangangaso. Mayroon tayong pamahiin na ang nobyo raw ay huwag aaalis ng tahanan pag malapit nang ikasal pagka't baka may mangyaring kapahamakan!"
"Iya'y isa lamang pamahiin. Ako'y sasama sa kanila.Sa ikatlong araw babalik kami agad!"
Nabatid ni Baknotan na wala si Lanubo. Siya'y nagpunta sa bahay ni Ilang ng sumunod na gabi.
"Ako'y nagmula sa malayo upang ungkatin muli ang pag-ibig na hanggang ngayo'y sariwa. Minan pang gusto kong patotohanan ang aking pagmamahal!"
"Hindi ka sana naparito sad is oras ng gabi! Noong huli mong bisita ay sinabi ko sa iyo na hindi kta iniibig. Ang puso ko ay naisanla ko na kay Lanubo! Ako'y nalulungkot! Hindi ako maaaring magmahal sa dalawa! Iisa ang aking puso! Ipagpatawad mo. Ipinagtatapat ko sa iyong kami'y ikakasal na sa darating na lingo!"
"Ano mayroon so Lanubo na wala ako? Bakit k a natataranta sa kanya?"
"Siya'y lalaking marangal!"
"Lalo akong marangal! Mayaman pa!"ang sagot na nagyayabang ngunit ang totoo'y siya'y kalog at panot pa!
"Maaari ba? Umalis ka na! Ako'y nag-iisa! Igalang mo ang aking katahimikan!"
"Oo, aalis ako, ngunit sa aking pag-alis kita'y isasama. Sasama ka upang mamuhay o manatili ka ngunit aisa ng bangkay! Alin ang iyong pipilii?"
"Ako'y mananatili saanman naroon si Lanubo!"
"Si Lanubo ay aking papatayin!"
"Permiso, sandali. Ikukuha kita ng maiinom. Palamig!"
"Gusto mong tumakas? Ang bahay mo ay nasasakupan ng aking kawal!Sa gusto mo sa hindi, sasama ka sa akin!" tuloy yapos.
Si Ilang ay nanglaban kinagat niya ang ilong at tenga ng kalog!
Nasaktan ang balatkayo. Nagalit at tinampal ang dalaga. Hindi nagkasya sa tampal at sinuntok pa ito sa panga. Kinuha sa lukbutan ang kris at sinaksak. Ang tampalasang lalaki ay tumakas.
Kinaumagahan, si Lanubo at ang mga kasama ay dumating galling sa pangangaso. Nabatid nila ang sakunang nangyari kay Ilang.
Ang unang pumasok sa isip ni Lanubo ay hanapin si Baknotan at maghiganti!
Pinapayuhan siya nang mga kaibigan na ang unahin ay ang paglilibing kay Ilang. Pihong nagtatago na raw si Baknotan. "Hintayin natin ang magandand pagkakataon! Ang katarunagan ay marunong maghintay!"
Si Lanubo ay larawan ng hinagpis! Siya'y nanangis, "Ilang ,Ilang, patawarin mo ako. Kung ako'y nakinig sa iyo na huwag umalis, disi'y hindi nangyari ito!"
Si Ilang ay inilibing sa burol na malapit sa bisita ng nayon. Si Lanubo ay nagbantay araw at gabi. Siya'y nagtaka nang makitang araw araw ay maraming bulaklak na nangagkalat sa puntod. Ang mga bulaklak pala ay nanlalaglag buhat sa malaking punongkahoy na nakayungyong sa puntod.
Noong mga unang araw ang punong ito ay walang bulaklak ngunit malalago ang dahon. Ngayo,y nakapagtataka! Kakaunti ang mga dahon subalit hitik sa bulaklak! Ang bulaklak ay dilaw mahaba, at makitid ang mga talulot. Ito'y mahalimuyak!
Bilang tagapagpagunita kay Ilang tinawag na balangay ang puno ng halaman ng Ilang-ilang!
Maraming taon ang lumipas subalit nanatiling binata si Lanubo. Ayaw niyang mag-aswa.
Pinatawad niya si Baknotan at nilimot ang tangkang paghihiganti. Naganap ang katarungan ni Bathala pagka't ang lalaki ay nagkasakit ng ketong.
Nang maging gobernadorcillo si Lanubo Noble sa magkakaratig n balangay, kanyang iniutos sa mga mamamayan na magtanim ng Ilang-ilang sa lansangan, liwasan,aplaya at pampang ng ilog.
Mabango ang simoy ng amihan sa pampang sa ilog ng Pancipit dahil kay Cirila Mabanlo ang pangunahing tauhan ng alamat na ito.
ALAMAT NG KAWAYAN
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya pagka't tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan.
Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.
Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.
Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't makikitid ang mga dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso nino man.
Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.
ANG ALAMAT NG PALAY
Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.
Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at sila'y at nagging matalino.
Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayo'y bibigyan ko ng butyl. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga."
"Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo."
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.
ANG ALAMAT NG PIPINO
Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa't anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.
Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa't hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.
"Paula, Paula, " ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, "Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot."
Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka't marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.
"Saan ba ako kukuha ng oiso?" ang sagot ni Paula. "At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo'y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak."
Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.
"Paula, maghain ka nga," ang utos niya sa asawa. "Nagugutom ako."
Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.
"Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso," ani Paula. "Siya'y hindi pa kumakain sapagka't inutusan ko."
Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.
Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.
"Inay, wala na pong ulam at kanin a," ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. "Simot na simot po ang mga palayok."
"Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?" ang usisa naman ni Paula.
"Aba tinirhan ko," ang pagsisisnungaling ni Rupino. "Baka kinain ng hayop." At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.
Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid.
Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.
Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.
"Aba, ano ang nangyari sa iyo?" ang usisa ni Paula. "Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?"
"Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. "Natalo ako sa tupada."
"Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?" ang ika ni Paula. "Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo."
"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko.
"Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni't talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo."
Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.
Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo'y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.
"Inay, paano ang gagawin natin ngayon?" ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. "Nasayang lamang ang pagod natin."
"Bayaan mo na anak, at ako'y maghahanap ng maipagbibili," ang wika ni Paula. "Makakaraos din tayo sa awa ng Dios."
Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka't at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.
Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.
"Kakain ka na ba?" ang tanong ni Paula. "malapit ng maluto ang ulam."
"Huwag mo akong abalahin," ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.
Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.
br>
"Ang lambat?" Nasaan ang lambat?" ang humahangos niyang usisa. "Ano ang ginawa mo sa lambat?"
"Ha? Lambat?" ang walang tutong sagot ni Paula. "A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam."
"Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!" Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. "Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?"
"Diyos ko!" ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. "Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!"
At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.
Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: "Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka'y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya'y patay na ay makatulong sana siya sa inyo"
Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka't ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.
ANG ALAMAT NG ROSAS
Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.
ALAMAT NG SAMPAGUITA
Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa matanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.
Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.
Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin.
Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.
Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak.
"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."
Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.
Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.
Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala....
Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.
ALAMAT NG HAGDAN-HAGDANG PALAYAN SA IFUGAO
Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, "Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?" Si G. Malintong ang guro ay sumagot, "Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan."
Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. "Noong pang kaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,a'y sa Bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigansubali't walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya'y tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.
Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Spagka't napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang magpatuloy ang buhay, sila'y nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito'y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.
Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, "Kilala kitang mabuting tao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga Diyoses." "Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?"
Ang Dakilang Diyos ay sumagot, "Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng cañaoaraw at gabi ng tatlong araw na sinkad upang ako'y ipagbunyi. Kung ako'y msiyahan, uunlad ang inyong tribo."
Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda hangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni Kabunian. Siya'y nagsalita, "Mabuti anak. Ako'y nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita'y bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagi'y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik at ang batonngbuhay na yaon," tuloy turo sa duminding, ' ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon."
"Salamat po, Diyos ko," ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayo'y ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman ng palay na itinayo n gating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.
ALAMAT NG MINDANAO
Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.
Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.
Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.
Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.
Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.
Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan .
Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.
Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.
Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.
Related Sites
|
|
Page 1 of 1
Mga Alamat..... kwento sa mga bata
#2
Posted 29 April 2009 - 08:23 AM
more..legends aliw ako dito..thanks for sharing..
I admire truth,as there is no hiding for a lie..
Share this topic:
Page 1 of 1
Related Sites
|
|

Help















